Ano ba ang "Prolotherapy"?
Ang "Prolotherapy" ay galing sa dalawang salita: "Proliferation" - meaning "pag-usbong", "pagtubo" at "pagdami" ng cells at tissues at "Therapy" or treatment. Sa pamamagitan ng injection ng dextrose solution at growth factors, maraming sakit o condition ang natutulungan, tulad ng osteoarthritis ng tuhod, traumatic injuries involving joints, ligaments, tendons at muscles.
Gawa ng wear-and-teat or pagkasira ng mga litid, muscle, tendon at cartilage ng mga joints natin, karaniwan by age 40, numinipis na ang mga cartilage at litid sa mga joints natin, lalo na sa tuhod at hips at sa likod. Ito ang reason kung bakit magsasakitan ang ating mga joints kapag sobrang napagod sa trabaho o sa paglalakad.
Maraming pasyente ang natutulungan ng pagpapatubo ng mga cells ng numipis na o nawala na sa tagal ng panahon at mga dating injury.
Bakit hindi alam ng ibang doktor and "Prolotherapy"?
Matagal-tagal na rin at maraming doktor sa US ang gumagawa ng Prolotherapy. YouTube search ninyo lang ang "Prolotherapy" at makikita ninyo na marami na sa US ang may alam ng Prolotherapy.
Sa Metro Manila, sa Clinica Manila, SM MegaMall, mahigit 15 years na ginagawa ang Prolotherapy. Hindi pa "mainstream" o hindi pa alam ng karamihan ng doktor kasi abala sila sa kanikanilang Specialization at panibagong pag-aaral ang Prolotherapy at Regenerative Injection (RITs).
Dahil relative new ito, nangunguna tayo sa SE Asia at dinadayo si Dr. Nino Pujalte sa Clinica Manila para ma-Prolotherapy.
Gaano ka-effective ba ang Prolotherapy?
Ang pag-galing ng mga pasyente ay nakasalalay sa training at experience ng doktor at sa mga solution o gamot na kanyang iniiniksyon sa pasyente... at sa pasyente mismo. Ang pasyente ay dapat sumunod sa mga instructions ng doktor dahil nakasalalay din ang pag-galing sa pagsunod sa "doctor's orders". Depende rin kung mild, moderate o severe ang problema ng pasyente kung ilang beses iniiniksyonan ang pasyente, at gaano kadalas.
Usually every other week ang balik ng pasyente para mainiksyonan or ma-Prolotherapy. Kapag mild lang ang problema, usually 2 or 3 sessions lang ay okay na. Kung medyo severe, asahang mas maraming session.
Maraming session man, marami pa ring pasyente ang nakakaiwas sa surgery. Lagi rin po namin sinasabi na bukas pa rin dapat and isip sa posibleng surgery kung talagang kailangan at hindi maiiwasan.
Ano naman ang Regenerative Injection Therapies (RITs)?
"Regenerative" means regrowing or pagpapatubo muli ng mga muscle, litid or cartilage na numipis, napunit o nawala na. Dati kasi basta may punit or sira o naputol ang isang litid, operation na kaagad. Hindi na ngayon. May mga sakit o condisyon, hindi lahat, na pwedeng magamot o mapabuti ng RITs.
Ang Prolotherapy ay isa ngang paraan para "regenerate" ang mga muscle, litid at cartilage.
Ang isa pang ginagawa ni Dr. Nino Pujalte ay ang Platelet-Rich Plasma (PRP) injections. Ang PRP ang pinakakilala sa mga RITs kasi na-pick up ng US Media, ilang taon na nakalipas, na ginagawa pala ito kila Tiger Wood at Kobe Bryant para sa sports injuries at sa mukha ni Kim Kardashian para sa Vampire Facial Rejuvenation.
Hindi lang sa punit na litid o osteoarthritis ng tuhod ginagamit ang PRP, ginagamit din pampaganda at pampabata ng mukha --- pampatubo ng collagen, pang-tanggal ng wrinkles, pati na sa may hair loss, para tumubo ulit ang buhok.
Bakit yung kakilala kong may osteoarthritis kinailangan pa tanggalan ng tubig sa tuhod?
Normally, may kaunting "tubig" o joint lubricant sa loob ng tuhod. Pino-produce ito ng "synovium" o nung lining ng loob ng tuhod para mabawasan an friction sa joint para maging "smooth" yung paggalaw ng tuhod. Tulad na rin ng mga moving parts at makina ng kotse, kailangan ng lubricants para smooth ang paggalaw ng mga moving parts at hindi kaagad masira.
Kapa nasaktan ang tuhod sa aksidente o may grabeng sumpong ng osteoarthrtitis, nadadagdagan ang production ng joint fluid sa loob ng tuhod. Karaniwan nga na yung matinding pain at pamamaga ng tuhod ar gawa ng joint fluid build up sa tuhod.
Para na rin guminhawa kaagad ang pakiramdam ng pasyente (dahil nagko-cause ng pain yung pressure ng fluid buildup), priority ng doktor yung pagtanggalin ang joint fluid (joint fluid aspiration). Pagkatanggal nung joint fluid, saka magde-decide ang orthopedic specialist kung sapa na ba yung pagtanggal ng tubig sa tuhod para gumaling and pasyente... o kailangan pa mag-inject ng gamot... o kailangan talaga ang pangpatubo ng litid at cartilage tulad ng Prolotherapy.
Bakit Steroid Injection lang ang ginawa sa tuhod nung kakilala ko?
Maraming naiitulng ang "steroid". Sa mga pamamaga ng tuhod gawa ng sports injury or osteoarthritis, karaniwang ini-inject ng orthopedic surgeon ang steroid sa loob ng tuhod para mawala kaagad ang pamamaga (anti-inflammatory effect) at ma-relieve ang matinding joint pain. Kaya depende sa paggamit ng steroid, usually nakakabuti ito...
Pero kapag inabuso o mali ang paggamit ng steroid, nakakasama rin sa katawan ng pasyente ang steroids. Puedeng magka-problema sa liver, heart, magka-avascular necrosis (pagkamatay ng blood supply) ng joint o lalong masira ang cartilage ng joint.
May mga pagkakataopn na sapat na ang steroid injection para bumuti ang pakiramdam ng pasyente... pero hindi dapat umasa sa steroids lang para bumuti ng lubos ang pasyente. Hindi pati napapatubo ng steroids ang mga litid at cartilage na nasira na ng panahon.
Ano po ba ang Hyaluronic Acid Injection?
Ang Hyaluronic Acid (HA) ay isang "gel" na iniiniksyon sa loob ng tuhod para tumulong sa lubrication ng loob ng tuhod. "Viscosupplementation" ang karaniwang tawag sa procedure na ito. Nakakatulong ang HA gel injection sa pagbawas ng "friction" sa loob ng tuhod at nakakabawas din ng pain. Puedeng magtagal ang effect nito ng 3 weeks, 3 months or mahigit pa, depende na rin kung gaano ka-mild o ka-severe ang osteoarthritis ng pasyente at ano ang kanyang activities.
Kailan ko dapat isipin na kailangan ko na talaga magpa-Prolotherapy?
Kapag na-steroid injection or na-hyaluronic acid injection na ang pasyente at hindi pa nag-i-improve, or kay nag-improve pero pansamantala lang, dapat na consider ang Prolotherapy.
Kapag hindi na ume-epekto ang steroid injection at HA gel injection --- higit pa dito ang kailangan nang gawin para mag-improve and tuhod.
Kailangan ba magbawas ng weight ang pasyente para mabawasan ang bigat na dinadala ng mga tuhod?
Kapag mataba at sobrang mabigat ang katawan, nahihirapan ang mga weight-bearing joints ng ating katawan, ang lower back, hips, knees at ankles. Mapaaga ang pagkasira or pagnipis ng mga cartilage at mga litid dito sa mga weight-bearing joints at mapapaaga ang paglala ng osteoarthritis.
Kailangan na ba magsuot ng knee brace para may supporta ang tuhod?
Nakakatulong ang knee brace sa pag-support ng tuhod na may osteoarthritis. Mababawasan ang bigat na dadalhin dapat ng mga litid sa tuhod kapag may knee brace o knee support.
Kailangan na ba gumamit ng tungkod o "cane" para alalayan ang tuhod sa paglakad?
Mababawasan ang load na dadalhin dapat ng tuhod kapag may tungkod.
Kailangan na ba patubuin o "regenerate" yung mga numipis o napunit or nawala nang mga litid at cartilage para makaiwas sa operation?
Kapag naagapan, nakakaiwas ang pasyente sa operation.
Ano ba ang "Prolozone"?
Ang Prolozone ay galing sa dalawang salita: PROLO- meaning Proliferative o nagpapatubo, at OZONE or O3. Ang OXYGEN ay O2. Ang OZONE ay O3. Think of Ozone (O3) as "Super-Oxygen".
Matagal nang ginagamit ang Ozone Therapy sa Europe sa ibat-ibang mga sakit at injuries, World War I pa nila ginagamit ito.
Tulad ng Prolotherapy at PRP, ang Prolozone ay regenerative o tumutulong sa pagpapatubo ng body tissues tulad ng muscle, tendon, ligament at cartilage. Effective ang Prolozone in at least 7 out of 10 cases. Tulad ng Prolotherapy at PRP, minimally invasive ito... injection lang, at walang surgery.
How much is a Prolotherapy session?
A Prolotherapy session costs PhP 3,800 per area. Minus 20% if the patient is a senior citizen.
How much is a PRP (Platelet-Rich Plasma) Injection?
A PRP session costs PhP 25,000, e.g., PhP 25,000 per knee. Minus 20% if the patient is a senior citizen, i.e., PhP 20,000 per knee. Further discounts may be given for PRP Injection of multiple sites, e.g., BOTH knees, a hip and a knee, BOTH hips and a shoulder.
Dr. Nino Pujalte